6 Must-Have Services Sa Iyong Sari-Sari Store

Matagal ka na bang mayroong sari-sari store at gusto mong mag-improve pa ang iyong negosyo? Or naghahanap ka ba ng small business ideas on how to set your sari-sari store apart from other stores?

 

Isa sa mga paraan para mag upgrade ng inyong negosyo ay to include services and extra features sa iyong sari-sari store. Read down below para malaman kung ano pa ang mga posibleng improvement at dagdag kita para sa iyong sari-sari store! 

 

6 Must-Have Services Sa Iyong Sari-Sari Store

 

Must-Have Services Sa Iyong Sari-Sari Store

  • Bayad Center: Convenience sa Pagbabayad ng Bills

Isa sa mga numero-unong pumatok noong panahon ng quarantine at pandemic ay ang mga convenience bayad centers sa mga sari-sari store. Sino nga bang pipiliing pumila sa mga banko at electric providers kung maaari ka namang pumunta sa nalalapit na sari-sari store? Maaari kang mag-open ng sarili mong Bayad Center kung ikaw ay may legal permit para sa iyong sari-sari store. 

  • E-Loading: Instant Load para sa mga Mamimili

Kung naghahanap ka ng must-have service sa iyong sari-sari store na mataas ang demand, look no further than an e-load business. Sino nga ba sa panahon ngayon ang hindi nangangailangan ng mobile load, pang phone man iyan o pang surfing data? Ang good side ng isang E-loading business ay isa itong low cost and low maintenance na negosyo. Kailangan mo lamang ang iyong phone at load credits and you’re good to go!

  • Lutong Bahay: Pampatagal-Lakas at Pampatanggal Gutom

Kung ikaw ay may tinatagong skills sa pagluluto, alam mo ba na isa iyan sa pinaka magandang pagkakitaan? Hindi mawawala ang ulam cravings ng kahit sino man. If you live in a busy area, maaari kang magstart ng small lutong bahay take out business na swak sa tanghalian o meryenda ng iyong mga kapitbahay. Ilan sa mga primary needs mo para sa gantong negosyo ay ang mga food container or warmer para tiyak na malinamnam ang iyong mga produkto! 

  • Paninda ng School Supplies: Suporta sa Edukasyon

Is your location near a school zone? Huwag magpahuli at paniguraduhing may tindang school supplies para sa mga chikiting! Ilan sa mga pangunahing school supply needs include pad papers, bond papers, and ball pens.  If you have an extra capital, you could also invest in a photocopying machine na tiyak na patok sa mga magaaral! 

  • Paid Wifi Service

Kung ikaw ay nakatira sa mga high foot traffic areas tulad ng paaralan, transport terminals, o palengke, ay tiyak na patok na negosyo ang mga paid wifi services. Halos lahat ay palaging nakatutok sa kani-kanilang mga cellphone ngayong panahon.  Maliit na puhunan lamang ang iyong kailangan sa paid wifi service. Mahalaga lang na paniguraduhing ligtas ang paglalagyan ng iyong machine para iwas nakaw. 

  • Laundry Services

Isa pang patok sa mga residential area ay ang laundry services. Marami ngayon ang mga busy at hindi na maasikaso ang paglalaba sa kani-kanilang mga bahay. Maaari itong maging patok na opportunity ng pagkakakitaan!  Kung ikaw ay may automatic washing machine na mayroong dryer, isa itong magandang negosyo opportunity para sa inyo! 

 

Handa ka na ba to take the next big step in your negosyo? Make sure to consider the risks and rewards sa pagtatayo ng iyong small business. 

Leave a Reply

x